You are currently viewing [UPDATES ON MECQ GUIDELINES]

[UPDATES ON MECQ GUIDELINES]

Narito ang mga alituntunin ng MODIFIED ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE na ipatutupad sa Bayan ng Carmona mula April 12 hanggang April 30, 2021 mula sa Office of the Provincial Governor of Cavite at IATF National:
1. Ang CURFEW ay mula 8 PM hanggang 5:00 AM. Mas pinahaba natin ang curfew hours dahil marami pa rin ang naiitalang COVID-19 cases kada araw.
2. Bawal pa ring lumabas ng bahay ang mga hindi 18 -65 years old at ang mga non-Authorized Persons Outside Residence (APOR) na WALANG QUARANTINE PASS.
3. Bukas ang ESSENTIAL ESTABLISHMENTS sa mga mall mula 9 AM hanggang 6 PM.
4. Mananatiling operational ang ESSENTIAL INDUSTRIES/BUSINESSES at masusunod ang work capacity na nakasaad sa DTI guidelines4. Maaaring maglakad-lakad, jogging, at biking sa inyong area. Bawal pa rin ang contact sports tulad ng basketball at group activities.
5. ISA lamang ang puwedeng sakay ng tricycle. Pinapayagan ang angkas o backride para kung ang sakay ay APOR APOR.
6. BAWAL pa rin ang dine-in sa mga kainan. Ang mga food and beverage enterprise ay nililimitahan sa take out at delivery. Allowed ang 24/7 delivery basta mayroong dalang ID, mga dokumento (Business Permit o Barangay Certification) at proof of delivery ang mga rider.
7. SARADO pa rin ang personal care businesses tulad ng salon, barbershop, at spa. SARADO rin ang internet cafés, gyms, at playgrounds.
9. LIFTED na ang liquor ban subalit ipinagbabawal ang pag-iinom sa mga pampublikong lugar.
10. Pinapayagan na ang religious gatherings ngunit hindi dapat lumagpas sa 10% ng venue capacity.
11. Pinapayagan ang funeral rites para sa non-COVID related deaths. Pumunta lamang sa barangay upang makakuha ng clearance.
12. Mayroon pa ring mga checkpoint kaya asahan pa rin ang heavy traffic.

Source: https://www.facebook.com/carmonalgu/posts/4489304454421292

Leave a Reply

Leave the field below empty!

This site is protected by reCAPTCHA and the Google Privacy Policy and Terms of Service apply.