Ang Probinsiya ng Cavite ay muling sasailalim sa GENERAL COMMUNITY QUARANTINE mula Marso 22 hanggang Abril 4.Narito ang mga alituntunin mula sa IATF National:
1. Ang paglabas ng bahay at pagbiyahe ay limitado sa essential purposes lamang tulad ng pagpasok sa trabaho, pagbili ng mga pangunahing bilihin, pagpapagamot at emergencies.
2. IPINAGBABAWAL ang mass gatherings kabilang na ang pagsasagawa ng RELIGIOUS GATHERINGS.
3. Ang pagsasagawa ng kasal, baptismo, at burol ay lilimitahan sa 10 katao lamant.
4. Ang mga pampublikong ahensiya at negosyo ay kinakailangang magpatupad ng FLEXIBLE WORKING ARRANGEMENT at limitahan sa saan 30% to 50% ng workforce ang papapasukin kada araw.
5. BAWAL ang DINE-IN sa mga kainan at iba pang establisyimento. DELIVERY at TAKE-OUT lamang ang papayagan. Maaari lamang magkaroon ng dine-in services kung mayroong OUTDOOR AREA, ngunit mahigpit pa ring ipatutupad ang social distancing.
6. PANSAMANTALANG ISASARA ang mga driving school, sinehan, arcade, library, museum, at iba pa. ISASARA din ang lahat ng tourist attraction maliban sa mga nasa open air.
7. Mananatili ang 10 PM to 5 AM curfew.
8. Tanging ang mga may edad 18 hanggang 65 taon lamang ang maaariling lumabas ng tahanan. Ang mga may edad 65 pataas ay maaaring lumahok sa non-contact sports at ang mga PWD ay maaaring lumabas kung para sa therapy.
9. Hanggang maaari ay HUWAG TUMANGGAP ng mga bisita o maging mga kamag-anak na nakatira sa ibang bahay. Hinihikayat ang lahat na magsuot ng face mask kahit nasa bahay lalo na kung may kasamang matanda o madaling kapitan ng sakit.
Source: https://www.facebook.com/AttyRoyMLoyola/posts/3769256163150367