Narito ang ilang mga pagbabago o klaripikasyon sa mga alituntunin ng Enhanced Community Quarantine na ipinatutupad sa Lalawigan ng Cavite hanggang Abril 4 mula sa Office of the Provincial Governor of Cavite:
1. ANGKAS/BACKRIDE: Puwede ang angkas o backride basta essential ang lakad at intensyon tulad ng paghahatid sa trabaho, pagpuntang grocery, pagpunta sa health clinic/hospital, at iba pa.
2. FITNESS: Ang outdoor exercise within the boundaries of the residential vicinity (within the village or barangay) ay papayagan mula 6 AM to 9 AM. Social distancing between individuals and wearing of mask must be fully observed. Strictly no group exercises or classes allowed. Those below 18 and above 65 years of age are still not allowed to go out.
3. AUTHORIZED PERSONS OUTSIDE RESIDENCE (APOR): Ang APOR ay para sa mga essential na lakad lamang tulad ng may mga kinalaman sa hanapbuhay, grocery, medical, etc. Hindi exempted ang mga APOR sa inuman at barkadahan.
4. CLOSING TIME: Ang mga restaurant sa Cavite ay sarado na dapat by 5:30 PM (due to the 6PM curfew). After 6PM, food delivery is allowed. Siguraduhin lamang na may dalang proof of delivery at iba pang business-related documents, at sumusunod sa health and public safety protocols.Maraming salamat at inaasahan namin ang inyong pakikiisa.